NAGISING si Lorelei kinaumagahan na medyo kumikirot ang ulo niya dahil sa hangover. Pumasok na lang siya sa bathroom at naligo. Pero habang kasalukuyan nang naliligo ay bigla na lang nag-play sa alaala niya ang mga pinagsasabi niya kagabi nang malasing. Kaya naman matapos maligo at magbihis ay parang hindi na niya alam kung lalabas pa ba siya ng kuwarto o hindi na muna. At kung lalabas siya, ano na ang ipapaliwanag niya kay Cassius? Na nalasing siya kaya niya nasabi ang mga bagay na ’yon? Maniwala naman kaya ito? Pero oo, nalasing lang talaga siya kaya niya nasabi 'yon. Dahil kung nasa tamang katinuan siya ay hinding-hindi niya sasabihin 'yon, dahil alam niyang hindi tamang sabihin ang gano'n. Kinakabahan man ay tinapangan na lang niyang lumabas ng kuwarto. Sumilip pa siya saglit sa kuw