CHAPTER 14

1362 Words

NASA loob na ng kaniyang opisina si Cassius at nakatingin lang sa kawalan habang nakaupo sa swivel chair. Pumasok na siya sa trabaho para sana malibang ang kaniyang isipan at hindi na makapag-isip pa ng kung anu-ano. Pero heto siya, wala pang nagagawang trabaho mula pa kanina, dahil lumilipad pa rin ang isip niya kay Lorelei. Iniwan niya muna ito sa pangangalaga ng mga katulong. Kinakabahan siya sa totoo lang at nababahala kapag tuluyan na itong bumalik sa katinuan at maalala na ang nangyari. Magagalit kaya ito sa kaniya? Mandidiri? Isusumpa ba siya? O matatakot na at lalayuan na siya. Parang kinakain siya ng takot sa posibleng maging reaksyon nito. Nasi-stress siya sa kakaisip, and at the same time ay nagagalit siya sa sarili niya dahil bakit siya nagpadala sa epekto ng drugs na 'yon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD