PAGKAHINTO ng black Mercedes-Benz sa harap ng malaking gate ng school, Lorelei stepped out with effortless grace. She was dressed in her immaculate school uniform—a crisp white blouse, a perfectly tailored green blazer with the school logo, a pleated green skirt, Gucci shoes, and an LV Nano Teddy Backpack slung over her shoulder.
“Thanks for the ride, Kuya Josh,” maarte pa niyang pasalamat sa kaniyang driver bago pumasok na sa malaking gate ng Lerem Academy.
Lerem Academy is an elite institution, reserved only for the wealthy and privileged.
18 years old na siya ngayon at nasa grade 12 na, huling taon na niya ng highschool.
“Hi, Lorelei!” her male schoolmates greeted as she passed by.
“You look stunning today, crush!”
“My morning just got better now that I’ve seen you!”
Instead of smiling, she simply rolled her eyes. “Crush my ass. Of course, I know I’m beautiful—you don’t need to remind me. We have huge mirrors at home,” she scoffed before walking past them without a second glance.
Naghiyawan na lang ang mga lalaki sa pagiging mataray niya. They were already used to her attitude—after all, most of them had been rejected when they tried to court her.
Of course, getting a boyfriend wasn’t on her priority list. It wasn’t even on her mind. Right now, graduating was her main focus. Maybe in college, baka subukan niya magkaroon ng boyfriend. Pero sa ngayon? Huwag na muna—lalo na't hindi naman niya type ang mga nagtatangkang lumapit sa kaniya.
“Lorelie!” pagtili ng kaibigan niyang si Lauren pagkapasok niya ng classroom na nasa C section. Sinalubong siya nito at nagbeso-beso silang dalawa.
Wala pa ang kanilang teacher pero naroon na halos lahat ng kaniyang mga classmates na nagchi-chismisan na mapalalaki man o babae.
“Besty, may chika pala ako sa 'yo,” Lauren said, quickly taking a seat beside her.
“Ano naman ’yon?”
Ngunit bago pa ito muling makapagsalita ay dumating na ang kanilang teacher. Kaya naman napabalik na lang ito sa upuan at natigil na ang chismisan sa loob ng classroom.
Nagpa-oral exam ang kanilang teacher. Mabuti na lang ay nakapag-study siya kagabi at na-memorize ang mga sagot. Kaya nang siya na ang tinawag ay agad niyang nasagot ang tanong.
Nang sumapit ang break time ay dumiretso na sila ni Lauren sa cafeteria.
French fries and cheese burger lang ang inorder nila at tubig. She actually wanted a soft drink, but her dad didn’t allow her to drink one, limiting her to once a week to avoid getting sick.
That’s how strict her dad was, but she understood. It was for her health, after all. So, she chose to follow the rule, even though she could easily lie since her dad wouldn’t find out.
But of course, she chose to be honest with her dad. Dahil ayaw nito sa mga sinungaling.
“Ano pala ang sasabihin mo sana sa akin kanina?” she asked Lauren after they ordered their snacks and sat down at a table.
“Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan,” sagot naman nito at uminon muna ng tubig bago tumingin sa kaniya. “Alam mo ba, I saw Samantha yesterday. Remember the girl you fought with last month from Section B? I saw her slap Jerro—the guy you rejected just last week from Section A.”
Napangisi siya sa narinig at kumagat muna sa kaniyang burger bago nagsalita.
“Really? Why? What happened between them for her to slap him? Did he confess to her and get rejected too?”
“No, hindi gano'n. I heard nagtapat daw si b***h with chocolate pa na nilagay sa locker ni guy. But he rejected her right in front of his friends. So she got embarrassed and ended up slapping him.”
Hindi na niya napigilan ang biglang mapahalakhak, dahilan para maubo siya dahil may burger pa sa loob ng bibig niya. Mabilis na lang siya uminom ng tubig at natatawa na tumingin muli sa kaibigan.
“Really? She actually did that? She confessed to a guy?”
“Yeah,” ngising sagot ni Lauren sa kaniya at bahagyang sumenyas ang bibig. “Speaking of bitch... she's coming.”
Napalingon siya, at nakita nga niya ang pagpasok ni Samantha kasama ng dalawa pa nitong kaibigan. Nang mapatingin ito sa kaniya ay bigla siyang tinaasan ng kilay at inirapan bago ito naupo sa kabilang table na malapit lang sa kanila.
Nagkatinginan naman sila ni Lauren at bigla na lang napabungisngis.
Mula sa kabilang table ay napatingin sa kanila si Samantha at ng dalawa nitong kasama, sabay silang inirapan. Pero siyempre hindi sila nagpatalo at inirapan din ito nang mapatingin sa kanila.
Pero bigla na lang nagparinig si Samantha.
“’Yong Isa diyan, ni minsan hindi ko pa nakita na pinuntahan ng parents niya dito sa school. It’s always her dad’s secretary who shows up. I wonder why,” wika nito na tumaas pa ang kilay sa kaniya, tila siya ang pinaparinigan.
“Isn’t it obvious?” sagot naman ng kaibigan nito. “She’s probably an illegitimate daughter. If she weren’t, why wouldn’t her parents visit her? So, I think her mom is a mistress, and they’re just keeping her under her father’s name because she’s nothing more than a child from an affair.”
Bigla na lang nagtawanan ang mga ito.
Parang nagpintig naman ang tainga ni Lorelei at akmang tatayo na sana. Pero mabilis siyang pinigilan ng kaniyang kaibigang si Lauren at umiling ito sa kaniya.
“Huwag mo nang patulan pa, maraming estudyante sa paligid. Ikaw ang magmumukhang masama at baka makunan ka pa ng video,” mahina nitong bulong sa kaniya.
Kaya naman napilitan siyang manatili na lang sa upuan. Pero imbes na manahimik ay pumatol pa rin siya sa pamamagitan ng pagpaparinig din.
“Grabe ’no, Lauren, parang ang sakit sa tainga kapag nakakarinig ng asong ulol na panay ang tahol,” parinig niya at maarte pang itinakip ang isang hintuturo sa kaniyang ilong bago tumingin sa kabilang table. “Tapos ang baho pa ng hininga, umaalingasaw.” Napapaypay na siya ng kamay na para bang tinataboy ang mabahong hangin. “God, it’s suffocating from all the way over here. Eww, like rotten onions. Bad breath!”
“And from what I heard, the dog actually confessed to the guy, only to get rejected. My goodness, what a shame. Maybe she got rejected because of bad breath!” dugtong naman ni Lauren na may kasama pang pagtawa.
Pati ang apat pang estudyante sa kabilang table na kumakain ay natawa rin dahil narinig ang kanilang sinabi.
Nanlaki naman ang mga mata ni Samantha sa kanila at hindi nakatiis dahil agad na tumayo at lumapit.
“Ako ba ang sinasabihan niyong dalawa?” tanong nito paghinto sa kanilang table. Pati dalawa nitong kasama ay lumapit na rin.
Ngunit imbes na matakot ay ngumisi lang si Lorelei. “Bakit, natamaan ka ba?”
“You b***h!” sigaw sa kaniya ni Samantha at bigla na nitong hinablot ang buhok niya.
“Ah!” hiyaw pa niya na agad na napatayo. Pero mabilis din gumanti ng sabunot.
Pati si Lauren ay sinabunutan na rin ng dalawang babae, kaya gumanti na rin ito.
Nagsabunutan na silang lima at nagkagulo na sa loob ng cafeteria. Ang ibang mga estudyanteng kumakain sa loob ay agad na nilabas ang mga cellphone at kinunan na sila ng video.
Natigil lang sila nang umawat na ang dalawang security guard ng cafeteria.
Dinala silang lima diretso sa office ng guidance counselor.
Natahimik silang lima at nakayuko lang habang nakahilira ng tindig sa loob ng office.
“Kayo na naman? Hindi ba't kayo rin dalawa ang nag-away last month?” hindi makapaniwalang wika ng guidance counselor nang makilala sila nitong dalawa ni Samantha.
“Siya po ang nauna, sir. Sinabunutan niya po kasi ako,” sagot niya.
“No, sir. Siya po ang nauna. Sinampal niya po ako,” agad naman pagkontra ni Samantha at sinamaan pa siya nito ng tingin.
“Sila po talaga ang nagsimula, sir,” sagot din ni Lauren.
Pero hindi rin nagpatalo ang dalawa pang babae. “No, sir, sila po talaga ang nagsimula. Gumanti lang kami kasi sinabunutan nila kami.”
Napapikit na lang ang lalaking guidance counselor at napabuntonghininga.
“Oh sige, umuwi na kayo ngayon din at papuntahin dito ang parents niyo. Hindi puwede ang kapatid o secretary ha, dapat parents niyo talaga. Sila ang gusto kong kausapin.”
“P-pero, sir,” nagkasabay pa nilang sagot ni Samantha na parang aangal pa sana.
“Oh bakit? Natatakot kayo na kausapin ko ang parents niyo?”
Natahimik sila at wala nang nagawa kundi lumabas na lang ng office.
Pagkalabas ay nagkatinginan pa silang dalawa ng matalim na tingin ni Samantha at nag-irapan bago lumakad na paalis.
“Naku, Lorelei, siguradong magagalit nito si Mommy sa akin,” problemadong reklamo ng kaibigan niyang si Lauren na ngayon ay nakasimangot na.
Napabuntonghininga naman siya at napasimangot din. Paano niya ’to ipapaalam sa kaniyang daddy? Paniguradong mapagsasabihan na naman siya nito, dahil last month ay pinatawag din sila sa guidance, pero dahil busy lagi ang daddy niya ay 'yong secretary na lang nito ang pinapunta. Pero napagsabihan pa rin siya na huwag lagi magpasaway sa school at umiwas sa mga gulo.
Pero ngayon, heto’t nilapitan na naman siya ng gulo at hindi niya naiwasan. Hindi naman puwede na magpaapi siya sa Samantha na ’yon at hayaan na lang na insultuhin. No way!
“Oh, bakit ganiyan kagulo ang buhok mo? Napaaway ka ba?” tanong ng kaniyang driver pagkapasok niya sa loob ng kotse.
“Hindi ba obvious, Kuya Josh? Nakita mo na nga na mukha na akong mangkukulam, nagtanong ka pa,” irap niyang sagot at nilabas na lang ang suklay. “Dumiretso po tayo sa kumpanya ni Daddy.”
“Yes, ma'am,” sagot ng driver at pinatakbo na ang kotse paalis ng school.
Makalipas ang ilang minuto ay huminto na ang sasakyan sa parking lot ng mataas na building. Lumabas na siya at mag-isang pumasok ng building.
“Good morning, ma'am,” bati pa sa kaniya ng ilang mga empleyadong nadaanan niya, pero tanging tipid na ngiti lang ang isinagot niya dahil kinakabahan siya. Kilalang-kilala na siya ng mga ito na anak ng kaniyang Daddy Cassius, dahil madalas siyang dumalaw sa kumpanya tuwing walang pasok.
Pagdating niya sa nakasaradong pinto ng opisina ng kaniyang Daddy ay napahinto na siya at hinawakan na ang doorknob para sana buksan na, pero agad siyang napahinto nang biglang lumakas ang kaba niya.
Lagot na. Ana na ang sasabihin niya? Ano na naman ang idadahilan niya kung bakit siya napaaway? Paniguradong sesermunan na naman siya nito. Pero hindi. Hindi siya puwedeng magpadalos-dalos sa pagsabi. Baka mamaya ay mainit pala ang ulo nito at sa kaniya pa maibunton.
Kaya naman imbes na pumasok na ay hindi niya pinihit ang doorknob, bagkus ay nilapit niya ang kaniyang tainga sa nakasaradong pinto at pinakinggan ang sa loob. Ngunit wala siyang marinig na kahit na anong ingay.
“Nasa loob kaya si Daddy?” bulong pa niyang tanong habang patuloy ang pakikinig.
“What are you doing, ma'am?”
Muntik na siyang mapatalon sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ng isang lalaki sa harap niya, ang secretary ng kaniyang daddy.
“Ano ka ba naman, nakakagulat ka, secretary Rome!” she snapped, shooting him a glare.
Natawa naman ang secretary. “Pasensya na, ma'am, hindi ko alam na magulatin pala kayo—”
“Nasa loob ba si Daddy?”
“Yes, ma'am.”
“Good mood or bad mood?”
Napahinto naman ang secretary at saglit na napaisip. “I don't know— But wait . . .” Pilyo na itong ngumisi sa kaniya. “Don’t tell me may ginawa ka na namang gulo? Ano, pupunta na naman ba ako sa school para makipag-usap sa guidance counselor niyo?”
Napaismid naman siya. “Tsk. Ewan ko sa ’yo,” pag-irap niya at tuluyan nang binuksan ang pinto.
Doon na niya nakita ang kaniyang daddy na nakaupo sa swivel chair nito, suot ang black business suit at busy sa hawak na documents. Ni hindi ito nag-abalang mag-angat ng tingin kahit narinig na ang pagbukas niya ng pinto.
“Good morning, Daddy!” she greeted sweetly as she stepped inside.
“Bakit ang aga mong umuwi?” tanong nito na sumagot naman, but his eyes still fixed on the documents in his hands.
“Pinauwi na kasi kami, Dad,” simpleng sagot niya at naupo na sa couch.
Namayani na ang katahimikan.
Pinagmasdan na lang niya ang kaniyang Daddy, pinag-aralan ang emosyon ng mukha nito habang busy ito sa ginagawa. Kung titingnan niya ay mukhang hindi naman ito bad mood, medyo seryoso lang sa binabasa.
Pero paano ba niya sasabihin na napaaway na naman siya? Paniguradong sesermunan na naman siya nito.
“Daddy,” pasimple na niyang pagtawag.
“Hmm,” he responded, still not looking at her.
She bit her lip, feeling nervous.
“Nag-lunch ka na ba, Dad?” tanong niya imbes na umamin agad.
“I’ll eat later. I'm busy,” he simply replied.
She exhaled quietly.
Bahala na. Sasabihin na niya!
“Daddy, pinapatawag po kayo ni teacher sa school.”
Namayani ang sandaling katahimikan nang hindi siya nito sinagot agad.
“’Yong g-guidance counselor po, Dad.” She bit her bottom lip.
“What did you do this time?” he asked, but his gaze remained on papers.
“K-kasi po, Dad, napaaway ako.” Napapikit na lang siya matapos umamin.
Pero pagmulat niya ay gano'n pa rin ang daddy niya, busy pa rin sa ginagawa at hindi pa rin siya tinitingnan.
“Palagi ka na lang napapaaway. Kailan ka ba titino?” balewala lang nitong sagot.
“Eh kasi naman po, Dad, pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko. That b***h pulled my hair, so I punched her and pulled hers too.”
Her Dad sighed, still not looking at her. “Kung ganiyan ka, mas mabuti siguro kung homeschooling na lang ang gagawin ko sa ’yo.”
Doon na nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. “No, Dad! Don't you dare — you can't do that!” she exclaimed, suddenly standing up.
Saka lang nag-angat ng tingin ang daddy niya, at doon na nagtama ang kanilang mga mata.
“Hehe, Daddy!” ngiwi niyang pagtawa ng pilit at nag-peace sign agad dito gamit ang kaniyang dalawang daliri.
But her daddy Cassius didn’t smile back. His expression remained cold and serious.
Kaya naman napanguso na lang si Lorelei at napayuko na para magmukhang kawawa.
“Hindi ko po talaga kasalanan, Dad,” mahina niyang wika nang nakasimangot at napapisil pa sa kaniyang kamay. “I was just fighting back against those bullies. They attacked me first. My scalp still hurts from all the hair-pulling.”
Cassius didn’t respond right away. Instead, he simply stared at her, as if studying her carefully to determine if she was telling the truth.
“I'm really sorry for causing trouble again, Daddy…” she whispered, her head was still lowered as she anxiously waited for his response.
“Nakapag-lunch ka na?” he asked after a moment of silence.
Mahina naman siyang umiling. “Just a burger, Dad.”
Cassius let out a heavy sigh. “You always eat that at school. Burgers aren't healthy.”
Bago pa siya makasagot dito ay namalayan na lang niya na nakalapit na ito at huminto na sa harap niya.
Pag-angat niya ng tingin ay muling nagtama ang kanilang mga mata.
Her heart skipped a beat as their eyes met.
“I'm really sorry po, Daddy,” she apologized again with a soft pout, trying to sound as innocent as possible.
“Tsk. Such a stubborn kid,” asik lang ng kaniyang daddy at pinitik na lang nito bigla ang noo niya gamit ng daliri. “Napakapasaway.”
“Ouch,” pagsimangot niya at napahaplos na lang sa kaniyang napitik na noo.
Inaasahan na niyang sesermunan siya.
But instead...
“Come on,” he said, already heading toward the door. “Join me for lunch outside.”
Tuluyan nang nagliwanag ang mukha niya, pero bago pa siya makasagot ay mabilis na itong nakalabas ng office.
“Wait for me, Daddy! I want fried chicken and shrimp!”
Mabilis na siya humabol nang nakangiti na.