Paglabas ng hotel ay agad siyang nagkubli sa isang nakahintong kotse sa labas. She saw Cassius rush out after her, eyes darting in every direction as he frantically searched for her—but he couldn’t find her. After a few moments, he ran back inside, probably thinking she might be in one of the restrooms. Tahimik naman siyang umiyak habang nakakubli sa likod ng sasakyan at nakatakip ang likod ng kamay sa nanginginig na labi. Pero ilang sandali pa ay nakita na niya ang paghinto ng kotse ni Siege—malapit lang sa kaniyang pinagkublihan. Nakita niya ang pagbaba nito at pag-call sa phone. Ilang sandali pa ay narinig na niya ang pag-ring ng phone niya sa loob ng hawak niyang clutch bag. Mabilis na lang niyang pinunasan ang kaniyang luha at inayos muna ang sarili bago lumabas na mula sa pagkubl