MATAPOS ihatid ni Siege sa airport ang babaeng minamahal ay napadpad na siya sa isang bar at doon nilugmok ang sarili sa alak. Sumunod naman ang mga kaibigan niya at sinamahan siyang uminom. Tahimik lang siya sa umpisa at patuloy lang ang pag-inom na parang ginawa na lang tubig ang alak. Bawat lunok niya ng mapait na alak ay mapait din siyang napapangiti at mahinang natatawa na parang nawawala na sa katinuan na. Tahimik lang ang kaniyang mga kaibigan sa kaniyang tabi at nakikiramdam lang sa kaniya. Pero nang malasing ay doon na niya naibuhos lahat ng kaniyang hinanakit at emosyon. Tuluyan na siyang napaiyak at nagsisigaw, nagwala sa loob ng bar. Mabuti na lang ay isa sa mga kaibigan niya ang may-ari, kaya hinayaan lang siya magwala at maglabas ng emosyon. Dumating naman si Lorelei ng Pi