MULA nang magtalo sila ni Siege nung gabing ’yon ay hindi na ito nagpakita pa sa kaniya, hindi na rin siya tinawagan o kahit sa text. Siguro ay natakot na ito na baka isumbong niya sa tiyuhin, dahil talagang isusumbong niya sa daddy niya kapag hindi pa siya nito tinantanan sa pangungulit. Ngayon ay isang linggo na ang lumipas, dumating na ang gabi ng kanilang Grad Ball. Pakanta-kanta siya habang nakaharap sa salamin at inaayusan na ang sarili niya. She was skilled enough, so there was no need to hire a makeup artist. She chose a sultry wet makeup look, pairing it with a sleek, waist-length wet hairstyle that cascaded down her back like liquid silk, perfectly complementing her gown. Nang matapos ay sinuot na niya ang kaniyang mint green tube gown. The fabric hugged her curves like a se