"TAMA NA, DASHIELL!" pigil ni Melannie kay Dashiell nang muli na naman itong tumungga ng isang basong alak. Kanina niya pang pinipigilan itong huwag mag-inom sapagkat may sakit ito, ngunit kahit anong pigil niya rito, hindi pa rin siya nito sinusunod. Pangatlong baso na ni Dashiell iyon kaya lubusan nang naalerto si Melannie. Magpahanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin siya kung ano ba talaga ang nangyari rito. Kanina, namataan niya ito sa kusina, umiiyak habang inaaway ang ina nito. Sinisigaw-sigawan nito ang ina kaya pinigilan niya ito. Pero mas lalo lang itong nagngalit nang walang paalam na lumisan ang ina nito. Walang ideya si Melannie kung ano ang nangyari sa mag-ina. Maayos naman niyang iniwan si Dashiell sa kuwarto nito dahil napagdesisyunan niya munang maligo. Pagbalik niya, na