"ANO PO ANG pag-uusapan natin, Ma'am Clara?" magalang na tanong ni Melannie sa ginang na nakatayo patalikod sa kaniya. Nasa rooftop silang dalawa ng sandaling iyon. Ang ginang ay nakahawak sa railing habang si Melannie ay halos kumawala na sa kaniyang dibdib ang kaniyang puso dahil sa kaba. Kanina, habang tahimik niyang nililinisan ng amo niya ay bigla siya nitong tinawagan at sinabihan siyang sumunod dito. At bilang ina ng kaniyang amo, sumunod agad si Melannie. Tinapos niya muna ang pagpupunas sa katawan ng amo gamit ang tuwalyang ibinabad niya sa maligamgam na tubig bago siya umakyat sa rooftop. Makalipas ang halos isang minuto, humarap sa kaniya ang ginang, na ni isang emosyon sa mukha ay wala. "Leave my son alone!" matigas nitong saad. Hindi maunawaan ni Melannie ang ginang. Nag