Tila hindi ko na yata nakayanan kanina iyung antok dahil nagising na lamang ako na ubod na ng kadiliman ang aking paligid. Kinapa ko ang aking gilid, at sa halip na iyung cellphone ko ang aking mahawakan, ang mouse ng computer ang aking natapik. Since naka-sleep mode lang iyung computer, nang magalaw ko ang mouse, agad na nag-on iyung screen dahilan upang halos mahulog na ako sa kinauupuan ko nang dahil sa aking pagkakabigla nang bumungad ang ilaw ng monitor. Sobrang dilim ng paligid, at nakakabulag naman ang biglaang pagka-expose ko sa liwanag ng monitor. This pissed me off. Nang tuluyan nang nakapag-adjust ang aking mga mata sa liwanag, I looked at the corner of the monitor screen to check what time it was already. It's already seven in the evening. I looked around, searching for my