RAVEN SABRINA VALLAJE'S POV “Clarice, pakiusap! Buksan mo ang pinto!” pagpupumilit ko sa kaniya. Pinagtitinginan na ako ng mga estudyante habang halos magiba ko na ang pintuan kakakatok, para lang pagbuksan niya ako at kausapin. Kasalukuyan na kaming nakauwi galing sa zoo. Hindi na naituloy ang planong doon kaming lahat mag-stay nang two days sa zoo, kung saan mag-ca-camping sana kami. Matapos ang nangyaring karah*san kay Kenz ay agad na kaming pinauwi ng mga pulis upang pag-imbestigahan ang lugar, at ang pangyayari. Habang si Hanji naman ay nasa clinic ng school, at wala paring malay hanggang ngayon. Kanina pa hindi kumikibo si Clarice at nagmamadali. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari kay Kenz na siyang pinag-aalala ko nang husto sa kaniya. Walang kahit sino man ang may gusto