“Sino ka?” hirit pang tanong ng lalake na nakatayo malapit sa pinto, saka niya ako inambahan ng suntok. Pinagsawalang-bahala ko lamang ang sinabi niya. Umiwas ako pakanan, saka ako bahagyang yumuko upang humanap ng tyempo. Nang ma-out balance siya, agad kong kinuha ang pagkakataong matamaan siya pangalawa. Sinalubong ko ng suntok ang kaniyang tagiliran, dahilan upang mapapilipit siya sa sakit. Masyado akong kompyansa sa sarili nang mapabagsak ko na iyung isa. Nawala sa akin isipan na dalawa pala itong kinakalaban ko. Sakto naman nang pagkalingon ko ay ang siya ring paghampas ng pangalawa kong kalaban, ng isang natanggal na armchair na gawa sa tablang kahoy, sa aking likoran. Napasigaw ako sa sakit, kasabay ng pagbagsak ko sa sahig. Napahawak ako sa aking balakang habang pilit na tumayo.