Chapter Fifty Four

1661 Words

Mabilis ang takbo ng oras dito sa Amerika. Marahil sa dami ng mga makabuluhang nangyayari sa akin dito. Dalawang linggo na ang lumipas. Pero parang kahapon lang nang makaapak ako sa bansang ito. Marami kaming pinuntahan ni Norman, sa tuwing lunch break, o uwian na nila. Araw-araw kasi akong sinasama ni Norman sa trabaho niya. At gaya ng pangako niya, nakita ko na rin sa wakas ang mga AI models. Iba-iba ang style ng katawan ng mga robots. May singkit, moreno, pandak, mataba, matanda, at iba pa. Hindi ko talaga alam kung bakit kailangang may ganoong pakulo pa. Pero natutuwa ako nang husto. Paliwanag pa ng isang coworker ni Norman, bago raw nagawan ng avatars ang app sa mga cellphones, tini-testing daw muna nila ito nang actual in three dimension. Ni-re-record nila ang mga galaw na nagagawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD