TINANAW ni Mich ang madilim na kalangitan mula sa bintana niya. Muli, pagkatapos ng gabing iyon kung saan muntik nanaman siyang mapatay ni Francesca ay ibinalik siya ni Jett sa bahay niyo. She was near death when Jett took care of her, not even saying anything. Natulog lang siya at pagmula niya ay wala na siyang Jett na nabungaran. Dalawang gabi na ang lumipas, hindi pa rin ito bumabalik sa mansyon nito. Ngayon ay pawang walang nangyari, at kagaya ng nakagawian sa kwarto niya ay nakaupo siya malapit sa bintana habang nakatanaw sa madilim na kalangitan. She can no longer deny it but she’s in fact waiting for Jett’s return, at hindi niya alam kung ano na ang nangyari rito sa pagitan nila ni Francesca, dahil maging si Francesca ay hindi na tumapak sa mansyon ni Jett. But unlike before, she

