SH: EPISODE 78 HINDI na namalayan ni Anna na nakatulog na siya habang yakap-yakap si Cai, at maging ito ay nakatulog rin, kahit na hindi naman siya napagod at kakagising lang niya bago dumating si Cai at nakabalik ang lahat ay pakiramdam niya pagod na pagod siya. Bumangon siya at kaagad na dumako ng tingin niya kay Cai na natutulog pa rin. Lumamlam ang mga mata niyang nakatingin rito dahil kita pa rin niya ang mga sugat na natamo nito. Maging ang ulo nitong nakabenda sa may parteng isang mata nito. He’s refusing to get treated in honor of Hercules’ death. Umalis na si Anna sa kama at maingat na lumabas ng kwarto. Mukhang umaga na o tanghalian. Mararamdaman ang kalungkutan at dalamhati na nababalot sa mansion. Wala siyang mahagilap na kahit na sino. They’re probably still resting. Paba

