DAHAN-DAHAN iminulat ni Anna ang mga mata niya mula sa pagkakatulog. The last thing she remembered was fainting and feeling dizzy, ang huling nakita rin ng mga mata niya ay si Cai, ito rin ang huling nakasama niya. She thought, she was going to wake up in the room where Cai put her, pero tila sa paggising niya ay parang panaginip rin ang bumungad sakaniya. Nakaupo ang katawan niyang bahagyang nanakit at ang nasa harapan niya ay ang mukha ni Deine na puno ng pag-aalalang nakatingin sakaniya. Kumurap siya habang hindi pa rin nagpoproseso sakaniya ang bumungad sa paningin niya. Magkatinginan pa rin sila ni Deine nang hawakan nito ang kamay niya. “Anna? Can you recognize me?” Tanong ni Deine sakaniya. Gumalaw siya at sinubukang tumayo. Kunot ang noong inilibot ang tingin sa madilim na

