NAPASINGHAP si Anna nang makitang sinugod ni Jett Faux si Cai. No one tried to intervene. Gustong pigilan ni Anna si Cai dahil hindi niya kayang makita itong nasa panganib. Kahit na walang ibang nakikialam sa dalawa ay baka bigla itong sugurin ng mga nakapaligid sakanila na tingin niya ay hindi rin kakampi ni Cai. Jett kept attacking Cai who’s fast enough to dodge and block. Humawi na rin ang mga panauhin dahil sa paglalaban nina Cai at Jett. “C-Cai!” Sambit niya sa pangalan nito nang makita niyang sinipa ito ng napakalakas ni Jett na sinalag lang nito sa mga braso dahilan para mapatilapon ito ng malakas sa pader. “Vita will win.” Napatingin si Anna kay Reigo, tanda niya pa ang pangalan nito nang ipakilala silang dalawa kanina sa isa’t-isa. Hindi niya mawari kung kaibigan ito ni Ca

