Nagising si Gaze sa kalagitnaan ng gabi ng mapansin n'yang wala sa tabi n'ya si Sheena kaya napabangon s'ya at tinignan sa banyo at sa terrace nila ngunit wala rin ito. Lumabas na s'ya ng kwarto nila at sinilip rin sa may sala hanggang sa kusina pero wala pa rin ang asawa n'ya. Nagkaro'n ng kaba si Gaze dahil baka may nangyari ng masama sa asawa na hindi n'ya mapapatawad ang sarili. "Axel," Lumingon si Gaze at napabuntong hininga ng makita ang ama na mag-isang umiinom sa mini bar nila sa kusina. "Papa.." "Are you looking for something?" Napahinga naman ng malalim si Gaze at lumapit s'ya sa ama. "Did you see my wife Pa?" Natigilan si Gion at napataas ang kilay nito sa anak. "No? Akala ko kasama mo s'ya sa kwarto n'yo?" Umiling si Gaze at mas lalo lang s'yang nag-aalala. "I just w