Nagmadali ang mga Karlos pag-uwi sa kanilang bahay, upang iligpit ang mga gamit nila dahil wala na silang pwedeng matakbuhan dahil walang-wala na rin si Don Velasco lalo na't pinakulong na ito. Nang makita nila si Gaze, ang nga nakakakilabot na mga mata nito. Nag-desisyon silang tumakas at tumakbo upang iligpit ang mga gamit nila dahil alam nila na sila na ang isusunod na ikulong at yun ang ayaw nilang mangyari. "S-Sheño! A-ano ng gagawin natin?! Nandito ang Ezrael! Siguradong tayo ang dahilan kung bakit sila naririto!" Natatarantang saad ni Sheila sa asawa na pinaharurot ang sasakyan ni Don Velasco pauwi sa kanilang bahay. "Tumahimik ka nga Sheila!" "Pero.." "Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil ang ingay mo!" Natahimik na lang si Sheila dahil alam n'yang natataranta na rin ang ka