DARKNESS - 19

2787 Words
A P H R O D I T E "Kuya leon, ano na ba balak ni kuya vanni?" naiinip na tanong ko sa kanya. Kanina pa kami dito sa ER pero wala paring signal ni kuya vanni kung anong gagawin namin dito sa traidor! "Maghintay ka little brat," bored na sambit ni kuya leon habang nakasandal sa pader. Napairap na lang ako sa kanya, nakakainis! I need to rest! Bat hindi na lang kasi ipa-huli ang mga karlos, para tapos na ang paghihirap?! Hindi yung ganito, Hindi na rin ako makapag-hintay sa mangyayari! "Can you shut up little brat?" Iritang tanong sakin ni kuya leon. Umirap nanaman ako sa kanya at napa-krus ang braso atsaka lumapit kay flor na natutulog habang may tape ang bibig at nakatali ang mga kamay at paa. Sa tingin niya, ganun kami kadaling paikutin?! "Wake up b***h!" Gigil na sambit ko kay flor habang sinipa sipa ang paa niya. Kung pwede lang tapusin na agad ang babaeng to! But damnit! Kailangan pa nang signal ni kuya vanni! "Woi! Anong ginagawa mo dyan?" Takang tanong ni kuya leon sakin. Inirapan ko siya at muling sinipa si flor. "Can't you see? Ginigising ko ang b***h na to!" inis na sambit ko sa kanya. Pipigilan pa sana ako ni kuya leon ng samaan ko siya ng tingin. Hindi na'ko makapag-hintay! Dahil sa kanya kaya namatay si doc guillermo! Kahit may kasalanan si doc guillermo, dahil sa pag-surgery niya kay sheena hindi niya deserve to! He doesn't deserve to die! Ginawa lang niya yon dahil tinakot siya ng mga karlos! Nag-iinit ang kamay kong sabunutan at pagsasampal sampalin si flor hanggang sa mag-makaawa siya na buhayin namin siya! She really think na bubuhayin siya ni kuya vanni?! Dream on b***h! "Kanina pa ako nanggigil sa babaeng 'to!" Iritang sambit ko kay kuya leon at sinipa muli ang babae. Pwede namin gawing state witness si doc guillermo laban sa mga karlos pero dahil sa punyetang babaeng 'to, hindi na pwedeng mangyari yon! Naantala lang yung pagsisipa ko sa babae, nang may tumawag sakin sa phone kaya irita kong sinagot yon. "Hello?! Can't you see--" "Anak?" Natigilan ako at huminga ng malalim bago ko tinignan ang caller. Hehehe si mom pala. "M-Mom? Im sorry, busy po kasi kami" pagpaumanhin ko kay mom at napasandal na lang ako sa pader. "Its okay. How's everyone? I heard what happen" nagaalalang sambit niya, napabuga na lang ako sa hangin. "I don't know, hindi ko alam kung anong plano ni kuya vanni!" iritang sambit ko sa kabilang linya. Narinig ko na lang ang paghinga ng malalim ni mom. "Hindi kami makapunta dyan, dahil may mga pulis na nagbabantay ng mansion, at marami rin kaming nakitang tauhan ng mga karlos na mukang binabantayan nila kami" bulong ni mom. Napasapo na lang ako sa noo ko sa narinig. Damn it! Mukang naghihinala na sila samin! "Tayo daw kasi ang huling nag-punta sa bahay ng mga karlos" Fvck them! "M-Mom? We'll be okay, Everything's alright mom, see you later" akmang sasagot pa siya ng patayin ko na ang tawag niya at tumingin ako kay kuya leon na nakakunot ang noo. "Fvck them! Naghihinala na sila satin! Baka iniisip nila na tayo ang nagpa-takas sa mag-ina! Damn it!" Iritang irita na sambit ko sa kanya. At muli kong sinipa ng malakas si flor at napadaing siya. Good. You're awake now b***h! "Hmm" dumilat siya at biglang nanlaki ang mga mata niya at nagpupumiglas sa tali at umungol siya ng malakas dahil sa naka-tape ang bibig niya. "Good! You're awake now!" pumapalakpak na sambit ko sa kanya at ningisihan siya. Kitang kita ko naman ang takot sa mga mata niya. Dapat lang na matakot ka! Matakot ka dahil nalalapit na ang kamatayan mo! "Alam mo ba kung ano ang gulong ginawa mo?!" Gigil na sambit ko sa kanya at akmang sasabunutan ko na siya ng pigilan ako ni kuya leon. "Calm down little brat" bulong niya sakin pero tinabig ko lang siya. At gigil na hinarap si flor, hinablot ko ang buhok niya at pinatingala ko siya sakin. "You're dead b***h," nakangising sambit ko sa kanya na nanlaki ang mga mata niya. Tinanggal ko ang tape sa bibig niya na nagpa-daing sa kanya. I want to hear her scream! Scream b***h! "You killed doc guillermo right?! And now do the consequence b***h!" At sinampal ko siya ng 360 degrees yung tipong babakat sa makapal niyang mukha ang maganda kong kamay! "H-Help!" Biglang sigaw niya pero tinawanan ko lang siya. "Scream b***h! Scream! Matitikman mo ang hagupit ng mga Ezrael!" Nakangising sambit ko sa kanya, na nagpaiyak sa kanya ng tuluyan. "W-Wag p-please.." She beg and i love it! Ginising niya ang natutulog na demonyo sa katawan ko, dahil sa kanya kung bakit mas nalalayo sila sheena sa hustisya! Ngayon wala nakong pakialam kung mapatay ko siya ng walang kalaban-laban! "Alam mo bang ginulo mo ang mapayapang tulog ni sheena?!" Galit na sambit ko sa kanya at hinablot ko ulit ang buhok niya, at inuntog ko siya sa pader at unti unti ng tumutulo ang dugo sa noo niya, kaya napangiwi na lang ako sa dugo niya. Ito gusto niya hindi ba?! Ito ang gusto niyang kapalaran ng kalabanin niya ang mga ezrael! "s**t! Aphrodite! Calm yourself!" rinig kong natatarantang saad ni kuya leon at hindi malaman ang gagawin. He knows na hindi ako mapipigilan! Ito ang ginagawa ko sa mga gustong kumalaban sa pamilya namin, at alam niya yon! "Ano? Masarap bang malasahan ang sariling dugo?" Nakangising tanong ko sa kanya. Lumuluha siya pero hindi makasagot. "Ito ang kabayaran sa mga gustong kumalaban samin. Sa tingin mo ang mga karlos ang pinaka makapangyarihan? Tsk.Tsk." Umiling-iling ako sa kanya na tila nanlulumo. "Mukha nagkamali ka girl, kayangaya kong pabagsakin ang mga karlos sa kamay ng mga ezrael, you wanna watch?" Ngingisi-ngisi na saad ko sa kanya. Tinapik tapik pa ang pangit niyang mukha. At dinikit ko ang labi ko sa tenga niya. "But sad to say, wala kana para mangyari yon.." Nakangising bulong ko sa kanya at muling sinampal ang muka niya at hinila hila ko ang buhok niya na tila naglalaro ako. "T-T-Tama n-n-na.." humahagulgol na sambit niya pero hindi ako natinag sa pagmamakaawa niya. Ito ang gusto ko ang magmakaawa siya! "Its too late dear.." bulong ko sa kanya at kinaladkad ko siya papasok sa morgue na hinabol naman kami ni kuya leon. Hiniga ko siya sa isang metal na higaan, nagpupumiglas naman siya pero hindi ko siya hinayaan. "One wrong move, you're dead." walang emosyon na saad ko sa kanya. At tinali ko siya sa isang metal na higaan. At tinakpan ko muli ang tape ang bibig niya. "Manahimik ka lang magiging mabait ako sayo" pinat ko ang ulo niya. At tinalikuran ko siya at lumabas ng morgue. "Fvck! Your eyes!" Kunot noong sambit ni kuya leon sakin. Walang emosyon ko siyang tinignan at nagkibit balikat sa kanya. "Alam mo bang nakikita ko si gaze sayo? Damn it! Parang hindi kita kilala kanina! s**t! Ito ata yung sinasabi ni dad eh!" gulung gulong sambit ni kuya leon at napapasabunot sa sarili. Pft. Ngayon niya lang ba ako nakita sa ganong sitwasyon? Nadala lang ako sa emosyon ko, pero may limit ako. Alam kong hindi pa yun ang tamang oras para patayin siya, gusto ko muna siyang mag-hirap! "What's funny?" Iritang tanong ni kuya leon sakin. Pff. "Alam mo bang nakakatakot ka?! Akala ko sa pamilyang imperial lang ang mangyayari ang ganon! Akala ko sa imperial lang maisasalinlahi yon! Damn it!" Natatarantang sambit niya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano bang sinasabi niya?! Hindi ba pwedeng galit lang ako sa babaeng yon kaya nagiging demonyo ako! No! Magandang demonyo! "Shut up, kuya leon. Ano bang sinasabi mo dyan?!" Iritang tanong ko sa kanya at inirapan siya. "Oh bumalik kana sa dati pfft." inirapan ko lang siya at pabiro ko siyang sinuntok sa braso niya na kinahalakhak niya lalo. "Magugustuhan kana ni harry, ang mga gusto non mas demonyo pa sa demonyo, eh ikaw demonyo ka pero magandang demonyo" tumatawang sambit niya na nagpalaki sa mata ko. "Kuya leon!" Gigil na sambit ko at pinaghahampas siya pero siya walang tigil ang kakatawa niya. Grrr! Bakit ba pinapaalala pa niya yung paasa na yon?! Grrr! "Speaking of.." Nakangising sambit niya at tinigilan ko na ang paghampas sa kanya, nang sumalubong ang kilay ko. Minsan hindi ko maintindihan kung bakit naging kuya ko ito pati si kuya timothy, hay i miss kuya second! T^T Pambubully lang naman ang alam nilang dalawa! Mabuti pa si kuya vanni medyo matino hehehe! May nginuso si kuya sa likuran ko kaya lumingon ako at nanlaki ang mga mata ko ng makita si harry na tumatakbo sa direksyon namin. "Harry?" Patawag na sambit ko sa pangalan niya, nilingon naman niya kami at nagtungo na siya kung nasaan kami ni kuya leon. "What are you doing here?" Takang tanong ko sa kanya. "Para tumulong na itakas sila sheena" walang emosyon na sambit niya at natigilan ako. "Fvck! Oo nga pala! Bat ko ba sila nakalimutan!" Biglang sigaw ko at nagmamadali akong tumakbo papunta kung saan ko sila iniwan kanina. "Damn it! Sana nandon pa sila" bubulong bulong ko habang kinakabahan. Shit! Ang tanga mo aphrodite! "You left them?!" Hindi makapaniwalang tanong niya kaya napayuko ako, habang nakakagat sa labi at napahinga ng malalim. "O-Oo, pero sinabihan ko na si tina-" natigilan ako nang mapamura siya. "Hanggang ngayon tatanga tanga ka pa rin! Paano kung nakuha sila?! Hindi ka ba nagiisip?!" galit na galit na tanong niya kaya mas lalo akong napayuko, nangingilid na rin ang mga luha ko. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganito. "G-Gusto k-ko lang tumulong kayla kuya" mangiyak ngiyak na sambit ko sa kanya. "Ano?! May naitulong kaba?!" sigaw niya sakin pero halata mong sarcastic ang tono ng pananalita niya. Hindi ako nakasagot sa kanya at tinuro ko na lang kung saan ko sila iniwan kanina. "D-Dito k-ko sila iniwan" Pumasok siya sa loob at hinahalughog niya ang buong lugar at tanging damit lang nila tina at sheena ang naiwan dito. Ibig sabihin, sinunod nila ang sinabi ko?! Damn you aphrodite! Mayayari ka kay kuya vanni! Lumabas si harry kaya napayuko ako lalo. "S-Sorry, g-gusto ko lang naman na tumulong kela kuya" mahinang sambit ko sa kanya. Kita ko naman na napahagod siya sa buhok niya at iritang humarap sakin kaya napayuko ako. "At sa ganitong sitwasyon?! Are you damn stupid?!" sigaw niya sakin na nagpatigil sakin at nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. Ganon ang tingin niya sakin?! I can't believe this! Oo ang tanga tanga ko, kung bakit umaasa pa ako sayo! Impit akong napaiyak, hindi dahil sa katangahang ginawa ko kung hindi sa masasakit na salita ang sinabi niya sakin. Akmang lalapitan niya ako nang mapaatras ako. Huminga ako ng malalim at tumingala ako sa kanya. "Oo na! Tanga nako! Tanga ako na iniwan ko sila, pero hindi ko sila iniwan para lang gawin ang gusto ko! Iniwan ko sila para libangin ang mga karlos, para hanapin ang traidor! I HATE YOU!" umiiyak na sigaw ko sa kanya at nagtatakbo nako palayo sa kanya. Masyado na niya akong sinasaktan! Hindj ba pwedeng nagkamali lang ako?! At kailangan niyang paulit ulitin sakin na ang tanga tanga ko! I hate him! I really hate him! "Oh little brat? Sila sheena?" salubong sakin ni kuya leon pero hindi ko siya inimik at umupo na lang ako sa sahig dahil sa pagod. Kinginang pag-ibig yan! Sino ba nagpauso niyan! "Aphrodite? Iniwan mo sila?" Marahan na tanong ni kuya bagamat seryoso siya. Napayuko naman ako at napapikit na lang ako. Hindi ko naman sinasadya eh! Gusto ko lang makatulong, pero bakit ako pa napapasama! "K-Kuya.." nakayukong tawag ko sa kanya. "Iniwan mo sila? Damn it!" mas lalo akong napayuko ng salubungin ko ang galit niyang tingin. "K-Kuya, p-please wag ngayon.." umiiyak na sambit ko sa kanya. Natigilan naman siya at nanlalaki ang mga mata sa gulat ng makita niyang umiiyak ko. "Fvck! I-Im sorry little sis" mahinahong sambit niya sakin at niyakap niya ako kaya wala akong nagawa kundi ang umiyak lang ng umiyak sa kanya . Alam kong katangahan ang ginawa kong pang-iiwan kayla sheena, pero hindi ko sila iniwan para lang gawin ang gusto ko! Iniwan ko sila dahil kung akay-akay ko sila mas lalo silang mahuhuli! Ginawa ko naman lahat para protektahan sila, pero bakit ako parin ang mali?! '..Are you damn stupid?' Fvck you harry! Oo na tanga nako! Tanga ako na umaasa pa rin sayo! Gago ka! Ang gago gago mo! I hate you! Sinusumpa ko na makakalimutan din kita! "Little brat gising" Naalimpungatan ako at napahawak ako sa leeg ko na nangangalay. Napabalikwas naman ako ng bangon at hinarap si kuya leon. "Hala! Nakatulog ako!" Gulat na sambit ko sa kanya. Ngumisi lang siya sakin at tumayo, atsaka niya nilahad ang kamay niya sakin kaya inabot ko ito at tumayo na rin. Pinagpagan ko pa ang uniform ng nurse na suot ko at napatingin sa oras. "Hala! Sila sheena!" Bulong ko sa kanya. Natawa naman siya sakin. Anong nakakatawa?! Alas tres na ng umaga! Damn it! Ganun kahaba ang tulog ko?! At nandito parin kami sa labas ng morgue! "They're okay now. Lets go, dinala ko na si flor sa sasakyan ko, sumabay ka na muna kay harry dahil si gaze nasa mga karlos pa" mahinahong sambit niya sakin. What?! Ano bang ginagawa ni kuya vanni?! Masyado na siyang nagtatagal! Nagpalit muna kami ni kuya ng damit na sinuot namin kanina, at napansin ko ang tahimik ng hospital. Anong nangyari? Shit! Tulog pa aphrodite! "Wala na ang mga karlos pati ang mga tauhan nila, mukhang naniwala na sila sa balita na patay na si sheena dahil wala rin naman silang naabutang sheena dito" sambit niya ulit, at kahit naguguluhan ako, tumango na lang ako sa kanya. Nakaalalay sakin si kuya leon hanggang sa makalabas ng hospital napansin ko ang sasakyan ni kuya vanni, at mukang si harry ang magdadrive ngayon. "Magkita na lang tayo sa bahay, wag kanang umarte" natatawang saad ni kuya leon sakin at sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan lang niya ako. Kainis! Ayoko ngang makasama ang paasang harry na yon! Tapos Tapos.. Grrr!! I have no choice to be with him! Ihahatid lang naman niya kami sa mansion kaya wala akong dapat ikabahala don! Titiisin ko na lang makasama siya sa loob ng sasakyan. Tama aphrodite! Tiis ganda! Maganda ka kaya magtiis ka! > Sunakay nako sa passenger seat, at kumaway ako kay kuya leon bago sumarado ang bintana. Napaayos naman ng upo si harry at tahimik naming tinahak ang daan pauwi sa mansyon. Napasandal na lang ang ulo ko sa sandalan dahil ramdam ko parin ang pagod. Napatingin ako sa may likuran namin, at laking gulat ko na nandon si tina at sheena na mahimbing ang pagkakatulog. Bakit hinintay pa nila ako? Pwede namang mauna na sila sa mansion at sasabay na lang ako kay kuya leon. Imbis na nakapagpahinga na sila tina, pero heto't hindi parin nakakapagpahinga! Damn it! Kasalanan ko'to! Katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan at napatingin na lang ako sa bintana pero ramdam ko ang patingin tingin sakin ni harry kaya palihim ko siyang inirapan! Anong titingin tingin niya dyan?! Nagagandahan ba siya sakin?! At nagsisisi na pinaasa niya ang isang dyosang katulad ko?! Hmp! Hindi ko siya pinansin, at patingin tingin na lang ako sa daan pero damn! naiilang nako sa patingin tingin ni harry! Kumuyom lang ang kamao ko at napabuga sa hangin para mawala ang inis ko sa kanya! Naiinis ako! Dahil ang gwapo gwapo niya! > "Anong tingin tingin mo?" Mataray na tanong ko sa kanya. Napaiwas naman siya ng tingin sakin at sumeryoso na lang sa pagdadrive kaya inirapan ko siya. "Uh.." Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "I-Im Sorry.." Natigilan ako, teka si harry? Nagsorry sa isang dyosang katulad ko?! Ha! Himala! "Nagsorry ka? Unbelievable!" Natatawang saad ko at umirap sa kanya. "Nadala lang ako sa emosyon--" tinaas ko ang kamay ko para patigilan siya sa pagsasalita. Ayoko ng makarinig ulit na salita galing sa kanya. Masyado nakong napapagod buong araw kaya gusto ko ng katahimikan manlang. "Please harry, pagod ako" iwas na sambit ko sa kanya. Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga niya. "Im sorry," yun lang ang huling narinig ko sa kanya. At muling namayani ang katahimikan hanggang sa makarating kami sa mansion. Mabuti na lang dahil naiilang ako kasama si harry sa isang sasakyan. Mas mabuti ng ganito para makalimutan ko din siya. Tama! Kakalimutan ko siya! Oplan: Kalimutan ang harry ng paasa. Ganda ganda ko talaga ang talino talino pa! Makikita mo rin maglalaway ka sa ganda ko Harry Ceasar Imperial!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD