Dinala na ang mga Karlos sa station, upang do'n muna mamalagi bago sila dalhin sa correctional. Kailangan muna nilang makausap ang kanilang magiging abogado para magbigay ng statement. Habang sila Sheena, pinaghahandaan ang magiging una nilang trial sa court. Mahaba-habang laban ito para sa kanila. Nakarating naman si Shanna sa maynila, nang wala pa ring nakakakilala sa kan'ya dahil sa sinugatan din n'ya ang kan'yang mukha. Kaya kahit wanted s'ya sa batas, hindi pa rin s'ya makilala dahil na rin sa peklat nito sa mukha. Pinuntahan n'ya ang pinagdalhan sa mga magulang n'ya pero hindi s'ya makapasok sa loob dahil marami pa ring taga media ang nag-aabang sa labas at marami ring mga pulis. Kaya iisip muna s'ya ng paraan paano pumuslit sa loob para makausap ang kan'yang mga magulang. Samant