"Sigurado ka na ba sa plano mong pag-puntang batanes?" Tanong ni Aphrodite sa kan'ya. Huminga ng malalim si Sheen at tinignan niya ang mga kasama niya. "Sigurado na ako, kasama ko si Vanni na pupunta do'n. At magkikita na lang tayong lahat sa korte," sambit niya. Nilingon niya si Vanni na tinapik-tapik siya sa balikat. "Sheen.." "Tina.." Maluha-luhang yumakap si Tina kay Sheena na napangiti na lang. "Ito na 'yon di'ba? Ito na talaga 'yon? Wala ng atrasan pa? Makakamit na natin ang hustisya right?" Maluha-luhang tanong ni Tina sa kan'ya na hinimas lang niya ang likuran nito. "Makakasama sa baby mo ang pag-iyak mo, gusto man kitang isama pero alam mong hindi ka pwede. Lalo na't buntis ka ngayon," mahinahong sambit ni Sheena sa kan'ya at tumango naman siya. "Mag-iingat kayo ro'n, tuso