CHAPTER 34 (Momosynes's POV) Hindi siya kinikibo ni Cas habang nasa biyahe sila. Yet hindi niya ito susukuan dahil hindi din naman siya nito sinukuan noon. "Cas. Ok na ba yung paa mo hindi na masyadong masakit?" "Hindi." "Uh...nainom ka pa ba ng gamot mo?" May pain reliever kasi ito dahil nga kumikirot ang sprained ankle nito. "Yeah." Nakatingin pa din ito sa labas ng bintana ng kotse. She sighed. Puro monotone ang lumalabas sa bibig nito. "About sa kanina. Yung nakita mo...." she trailed off. Nilingon kasi siya nito at masama ang titig sa kanya. "Wala akong paki." "Cas....I---" Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil namalayan niyang nasa tapat na sila ng school nito. "Wag mo na akong sunduin mamaya." Bumaba na ito agad ng sasakyan. Bago niya pa mahubad ang seat