Chapter 21 (Cassy’s POV) "So. May nakita ka na ba?" nanunukso ang boses ni Candice habang nakaupo sila sa isang VIP lounge. Malakas ang tugtog sa bar kaya naman malakas din ang pagkakasabi nito nun. "Wala pa." pilit ang ngiting sagot niya sa sinabi nito. "Whoooah!" Nicole said while dancing with another lady. Si Tiffany naman ay sayaw lang ng sayaw at napapalibutan na din ng mga lalake. Napailing na lang siya. "Why don't you enjoy the night too Candice?" mahinang bulong niya sa tenga nito. Dumukwang pa siya dito para marinig nito ng maigi. Tumawa ito. "Di naman kita maiwan dito. Kaya halika na sumayaw tayo?" Inilahad nito ang kamay sa kanya. Nakangiting hinawakan niya iyon. Hinila naman siya nito. Maya maya pa. She was also dancing with the three of them. Sensually dancin