Chapter Three
"Napaano ka, Erina?" puna ni nanay sa akin. No'ng umuwi ako'y wala sila. Kaya naman natulog na lang ako maghapon. Kaso no'ng nagising ako na sobrang sama nang pakiramdam ay napuna na nito. Iika-ika pa ako kaya talagang takang-taka ito.
"Natapilok po ako, 'nay. Masakit po ang p-aa ko... tapos ngayon ay parang nilalagnat na ako." Hindi lang parang, kasi'y nilalagnat na talaga ako.
Sinalat ni nanay ang noo ko. "Aba'y oo nga, anak. Maupo ka nga muna. Saan iyong paang natapilok?" ani nito.
Malilintikan talaga ako rito kung hindi ko paninindigan ang excuse ko rito.
"Iyan pong kaliwa, 'nay." Pinagmasdan iyon ng aking ina.
"Hindi naman maga." Nang hawakan nito iyon ay dinaan ko na lang sa pag-arte.
"A-ray ko, 'nay. Masakit po."
"Iyan kasi! Hindi ka nag-iingat. Gusto mo bang magpa-doctor? Baka nabali na iyang paa mo."
"Huwag ng doctor, 'nay. Gagastos na naman tayo. Nakakahiya kay Ate Kady kung gagastos na naman siya para sa atin. K-ahit d'yan na lang po kapitbahay na manggagamot."
"Albolaryo?"
"Opo, baka po kasi nakabati ako ng engkanto. Baka nakaapak po ako ng engkanto sa daan kagabi."
"Aba'y tara!" ani nito. s**t talaga! Hindi ko kayang lumakad patungo sa kapitbahay. Masakit kasi talaga. "D'yan ka lang. Ipapatawag ko na lang siya."
Stress na tinawagan ko si Everlyn habang hinihintay si nanay.
"Ever, lagot na! Ang taas ng lagnat ko at sobrang sakit ng pepe ko." Naiiyak na ani ko rito.
"Tanga mo naman kasi! Sabi mo'y sobrang laki no'ng t**i na tumira sa 'yo. Huwag ka nang magtaka pa. Wasak na wasak."
"Alalang-alala si nanay. Gusto pa niyang dalhin ako sa doctor kaya naman sinabi ko na huwag na, sa albolaryo na lang."
"Puta ka talaga! Hintayin n'yo ako... gusto kong mapanood ang pangtatawas sa 'yo," tawang-tawa na ani ni Everlyn saka naputol ang tawag. Stress na hinilot ko ang batok ko.
Nang dumating ang manggagamot ay sa balcony kami pumwesto. Agad nitong tinignan ang paa ko. Napabuntonghininga ang matandang lalaki.
"Tapilok ba ito? Iba ang enerhiyang nararamdaman ko, ineng."
"Tata Kot, anong enerhiya po iyan?" takot na ani ng aking ina. Hindi ito sumagot, pero bahagya nitong minasahe ang paa ko. Kailangan kong umarteng ulit, si Everlyn ay tahimik lang sa tabi ko.
"A-ray! A-ray ko!" arte ko.
"Masamang enerhiya ang nararamdaman ko, Eleya, rito sa anak mo. Para siyang pinasukan---" agad akong napalingon kay Everlyn. Parehong na laki ang mata naming dalawa.
"Pinasukan ng ano?"
Hindi na naman sumagot ang matandang lalaki. Kinuha nito ang maliit na stainless na planggana saka nilagyan niya iyon ng tubig. Nagsindi rin ito ng kandila.
Pinatak niya sa tubig. May unti-unting nabuo roon. Nanlaki ang mata ko. Parang t**i iyon. Si Everlyn ay napapapisil na sa braso ko dahil alam kong pareho na kaming kinakabahan.
"Ano iyan?" takang tanong ni nanay sa albularyo.
"Pinaglalaruan ang anak mo..." ani ng matanda. Yes! Pinaglaruan ako sa sarap ng bodyguard ng dating gobernador. Sa sobrang sarap ay masakit tuloy ngayon ang aking butas. "Isang malaki... parang malaking elemento ito. Galit na galit."
Sumagi sa aking isipan ang malaking p*********i ni Kygan na tayong-tayo, tigas na tigas. s**t talaga!
"Diyos ko!" ani ni nanay na takot na takot. Si Everlyn ay napakamot sa ulo. For sure, pareho kami nito nang iniisip.
Mukhang t**i iyong kandila, galit na galit na t**i ni Kygan. "Anong dapat nating gawin?"
"Magsaboy kayo ng malagkit na bigas sa paligid ng inyong bahay. Pati kung saan ka natapilok. Mag-alay kayo ng tirang malagkit at langis ng niyog. Samahan ng buong manok. Kung gusto mong lubayan ka ng malaking elemento na ito ay sundin mo ang bilin ko. Humingi ka na rin ng pasensya."
"Erina, tandaan mo ang mga sinabi ni Tata Kot. Baka kung ano pang gawin sa 'yo ng elemento na iyan. Hindi ka kasi nag-iingat. Ayaw! Tinuruan ka na ng leksyon dahil sa pagiging magala mo," sermon ng aking ina sa akin. Nagkatinginan lang kami ni Everlyn na parang mauutot na kapipigil ng tawa niya.
Dinasalan pa ako ng matanda pero hindi naman naintindihan. Latin ata.
Naging elemento pa tuloy si Kygan.
"Mamayang 6 pm ay pumunta kayo sa lugar kung saan ka natapilok. Tapos 6 pm din dito."
"Anak, ako na rito. Kayo ni Everlyn ay magtungo kung saan man ka natapilok," seryosong ani ni nanay pagkaalis ng matanda. "Bibili ako sa bayan ng mga kailangan. Tanda mo ba kung anong luto ng manok?" siniko ko agad si Everlyn na katabi ko.
"Lechon daw po," natarantang sagot ni Ever.
"Sige, aalis na ako para makabalik agad." Umalis agad ang aking ina. Habang kami ni Everlyn ay biglang nanahimik, ngunit nang nagkatinginan ay bigla na lang bumunghalik ng tawa.
"Tangina mo, Erina! Puro ka kalokohan!" ani nito sa akin.
"Tangina, Ever! Naging elemento pa iyong Kygan na iyon. Nakita mo ba iyong kandila? Parang t**i!" parang biglang nawala ang lagnat ko dahil sa kalokohan.
"Hayop ka! Gagastos pa si auntie ng lechong manok!" napakamot ako sa ulo.
"Saan tayo magsasaboy mamaya?" ani ko rito.
"May alam ako... doon na lang sa alam ko," malawak ang nagising ani nito. "Inom ka na lang ng gamot sa lagnat. Kasi iyong dasal ni Tata Kot ay malabong tumalab sa 'yo."
Isang oras lang ay nakauwi na si nanay. Inihanda niya ang mga dadalhin namin. Kanina pa nakapaglagay sa tupperware si Ever ng kanin na babaunin namin. Itinago lang niya para hindi makita ni nanay. Nang umalis kami ay todo alalay pa si nanay at Ever sa akin palabas ng gate. Nakapagtawag agad ng tricycle. Nang naisakay na nila ako sa loob ay agad bumalik si nanay sa bahay.
"Manong, sa Kinabukasan falls po."
Ilang beses na naming pinuntahan iyon. Hindi naman nakakatakot doon kapag gabi. Keri naman doon. Nang naihatid kami sa bukana ay bumaba na kami at si Ever na ang nagbayad. Saka nilakad namin ang papasok.
"Gamitin na lang natin iyong kandila para hindi masyadong madilim."
Iyong kalokohan ko para lang mapagtakpan ang kasalanan ko ay ito na ang nangyari. Nagpi-picnic na kami rito sa falls. Iyong malagkit na bigas ay isinaboy naman nito. Baka raw kasi'y may mga elemento rito. Iyong lechong manok na iaalay... ulam naming dalawa. Pinaghatian din namin iyong kanin.