"Are you ready?" tanong sa akin ni Rosie. Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin habang suot ko ang gown na binili ko kanina. Hindi na ako nagpa-makeup sa isang makeup artist dahil ako na lang ang naglagay ng sa sarili ko. Tinulungan na lang ako ni Rosie na kulutin ang buhok ko. Ngumiti ako. "Yes, I'm ready." "Remembered birthday ang pupuntahan mo hindi disco party. Huwag ka ng makikipag-inuman sa iba," wika niya. Tipid akong ngumiti. "Yes, lagi kong tatandaan 'yan." "Yung regalo mo kay Isaac ay ibigay mo, 'wag mong gawin regalo ang sarili mo." Tumawa ako saka humarap siya sa akin. "Hindi ko gagawin iyon masyado naman yata siyang masuwerte kung ireregalo ko ang sarili ko." Napahalukipkip ng kamay si Rosie sabay taas ng kilay nang tumingin sa akin. "Ikaw pa ba? Ang rupok mo masya

