"Thank you sa paghatid sa akin," sabi ko kay Arthur. Niyaya niya akong kumain sa labas at mamasyal kaya sumama ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. "You're welcome." Nauna siyang lumabas ng kotse upang buksan niya ito at pagkatapos at binuksan niya ang pinto sa tapat ng inupuan ko. "I'm sorry, kung hindi kita puwedeng papasukin sa loob dahil baka kung anong isipin nila lalo na ang anak ko." "It's okay, kailangan ko na rin umuwi dahil aasikasuhin ko pa ang mga gamit kong dadalhin bukas." "Naku, ang mga gamit ko na dadalhin ay nakakalat sa loob kuwarto ko kanina kasi inilabas ko na ang mga ito." "Naistorbo pala kita kanina." "Okay lang ang mahalaga ay napagbigayan kita." Lumapit sa akin si Arthur saka yumuko upang magpantay kami at pagkatapos ay tinitigan niya ako. Namula ang mukha k

