"Mommy! Wake up!" Hinila pa ni Liah ang comforter ko pagkatapos ay humiga sa tabi ko. Hindi pa ito nakontento dahil niyugyog pa niya ako. "Anak, inaantok pa si Mommy." Hindi ko naman kayang magalit sa kanya dahil minsan na lang niya ako maabutan sa mansyon. Niyugyog niya ang braso ko. "Mommy, gumising ka na alas-onse na ng tanghali," sabi niya. "Paano mo naman nalaman na alas-onse nang tanghali?" Gusto ko lang malaman kung marunong siyang tumingin ng orasan. "Nakita ko po ang wall clock n'yo Mommy. Ang maliit na kamay ng orasan ay nakatutok na po sa 11 tapos po ang mahabang kamay ay nasa unang numero. 11:05 po 'yun." "Very good, sino ang nagturo sa iyo niyan?" Humarap ako sa kanya. "Si Teacher po." Bigla kong naalala meron pa lang tutor si Liah mula pa noong tatlong taon gulang pa

