"Totoo na ba 'yan?" Nakataas pa ang kilay ni Rosie. Matapos kong humingi ng tawad sa kanilang dalawa. Sinadya kong magpakita sa kanila sa 3-months old celebration ng anak niya. Mula kasi nang isinilang niya ang anak ni Rosie ay buwan-buwan niya itong pinaghahanda at iba't-iba rin ang costume ng anak niya kada buwan. Tumango ako. "Nagkaayos na kami ni Isaac at ang Lolo at Lola niya." Kinuha ko ang wine glass ko na may lamang champagne at paunti-unti ko siyang ininom habang kausap si Rosie at Candy. "Mabuti naman at nakapag-isip ka ng mabuti. Masaya ako dahil nagkaayos na kayo ni Isaac," wika ni Rosie. "Tama ka diyan! Wala naman kasing problema kay Dr. Chen. Ikaw lang talaga ang may problema," ani Candy. Sumimangot ako. "Oo, kasalanan ko na ang nangyari kaya nga bumabawi ako sa kanya

