Umuwi ako sa bahay nila Amber para makakuha ng gamit dahil ako naman ang magbabantay kay Daddy. Alam naman na nila Tita and Tito 'yon dahil magsasalitan kami sa pagbabantay kay Daddy. Hindi ko nga lang din alam kung paano ang magiging reaksyon ni Mommy kapag nalaman niya ito. Tinawagan ko si Klaus para hindi malaman ni Mommy ang pag-uwi ko. Hahayaan ko nalang na si Tita Amanda ang magsabi kay Mommy, alam ko rin na kaya nila siyang pakalmahin. "Where's Mom?" Tanong ko nang makauwi. Napakagat siya sa labi niya at itinuro ang taas. "She's with Hope and Hunter," sagot niya. Ngumiti naman ako at nakahinga ng maluwag. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala sila rito. "How is she?" Kahit papaano ay nag-aalala pa rin ako. Alam kong hindi sanay si Mommy na wala si Daddy sa tabi niya