"Can you also wear that jacket again?" Salubong ang kilay niya nang humarap sa akin. "And why would I do that?" Supladang tanong ko sa kaniya. Mas lalo nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko. Kunot noo niyang pinasadahan ang suot ko kaya napatingin din ako roon. Ayos lang naman ang suot kong tube dress dahil nasa beach kami at mas napreskuhan ako nang tanggalin ko ang jacket ko. "Just do it, Summer. Bakit ka ba kasi nagsuot ng ganyan?" Suplado siyang umirap at pinasadahan ang suot ko. Natawa ako at napairap sa kaniya. Wala namang mali sa suot ko ah? Nagmartsa ako palapit sa kaniya at hinablot ang bag kong hawak niya, nakalimutan ko pa lang kuhanin 'yon kanina nang lumabas ako sa Hotel at ang jacket ko ay inabot ko sa kaniya para siya ang magdala. "Let's go," sabi ko at nag-iwas