"Damon, wait!" Tawag ko habang hinihingal. Nakalabas na kami ng Hospital pero mabilis pa rin ang lakad niya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero sinundan ko parin siya. Nasa labas kami ng Hospital at walang masyadong tao roon dahil tanghaling tapat na. Nararamdaman ko narin ang sakit ng araw na tumatama sa balat ko. Alam kona sa sarili ko 'yon. Alam kong alam na niya ang totoo kahit itago ko pa 'yon ngayon. Hindi rin siya aakto na ganito kung hindi niya alam ang totoo. "Damon, lets talk! Please," halos tumakbo na ako para lang maabutan siya. Hinuli ko ang kamay niya dahilan nang paghinto niya. Mabilis ang paghinga niya nang humarap sa akin at kita ko ang pamumula ng mata niya. Umigting ang panga niya nang tignan ako kaya halos mapalunok ako at matuyuan ng laway roon. He licked h