Damon "Where are you going hijoh?" Tanong sa akin ni Mrs. Alvarado nang mag-pababa ako malayo pa sa hospital. "I'll just buy something lang po. Thank you," paalam ko at tuluyan nang bumaba sa sasakyan. Maraming body guards si Mrs. Alvarado kaya nakampante naman ako. Isa pa, nakakulong naman na ang mga salarin sa pag-dukot kila Summer at Amber. Hinintay kong makaalis ang sasakyan nila bago ako tuluyang umalis. Gumilid ako sa isang waiting shed at agad tinawagan si Marcus para dalhin ang sasakyan ko rito. Ilang minuto lang naman akong nag-hintay at dumating din siya kaagad kasama si Klaus. "Saan ba punta mo?" Tanong niya. "Just call me when she wakes up," tinapik ko siya sa balikat at tumango naman kay Klaus. Agad kong pinuntahan kung saan nakatira si Papa at umaasa pa rin ako na sana