Summer I hate when he's ignoring me. Hindi ko alam kung nasanay lang ba talaga ako na kinukulit niya. I pushed him away at ngayong nakikita ko siyang lumalayo ay para bang kinukurot ang puso ko. Napatingin ako sa mga pinsan ko na may kaniya-kaniyang sariling mundo at hindi nila namalayan na umalis ako sa tabi nila. Kasama pa rin namin ang grupo nila Damon kaya umalis din muna ako sandali. I badly want to talk to him and tell him how much I love him but I couldn't. Ako nalang ang lalayo kung parehas sila ni Stephan na mawawala sa buhay ko. I don't want to choose because they're both important to me. "One shot of margarita please," sabi ko sa bartender nang matapos siya sa ginagawa niya. Agad kong ininom 'yon nang ibigay niya. Halos mapapikit ako dahil gumihit ang init nito sa lalamunan