Sinulit namin ang isang araw na natitira sa beach at ang mga araw namin sa bahay kasama ang pinsan ko. Nauna nang umuwi sila Damon sa Manila kasama ang mga kaibigan niya noong isang araw pa at kami naman nila Morgan at Amber ay ngayon palang pauwi. Hindi sumabay sa amin si Juliana dahil nasa cebu pa rin ang mga magulang niya. Wala rin sawang text nang text sa akin si Damon para tanungin kung nasaan na ako at bawat lugar yata na madaanan namin ay sinasabi ko sa kaniya. Amber finally stopped teasing me in front of her boyfriend. Kanina ko pa sila hindi nakikitang nag-uusap at tanging music lang sa sasakyan ang nag-iingay. "Do you think Elena and Marcus will be clicked?" Sinubukan kong basagin ang katahimikan. Napatingin ako kay Amber na busangot habang nakasandal sa bintana ng kotse at t