Sa tingin ko ay 'yon ang pinaka-matinding away namin ni Damon. Alam kong wala akong kasalanan dahil hindi ko naman alam na hahalikan ako ni Adrian. I just don't get it. Bakit pa siya mag-seselos kahit alam naman niyang sa kaniya lang ako! Kinabukasan ay hirap akong gisingin ang sarili dahil napuyat ako kahihintay ng text niya pero wala akong natanggap hanggang sa magising ako. Hindi he didn't even inform me that he was home safely! Aabalahin ko nalang ang sarili ko ngayon sa pag-rereview. Wala na sila Amber at Morgan sa condo nang umalis ako, nakapasok na siguro sila kaya nag-sarili akong gamitin ang kotse ko. Nag-lalakad ako papunta sa room ko pero may biglang humarang sa akin. I saw Astrid standing in front of me. Napabuntong-hininga ako dahil ang aga-aga ay siya ang bubungad sa akin.