Friendly reminder: Hinati ko po 'yong isang chapter ngayon. Wait niyo nalang po next episode. **** Summer Halos matulala ako habang nagdadrive pauwi at hindi rin matanggal ang tingin ko sa bracelet na nakasuot sa akin. Gusto kong mainis sa kaniya pero hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang biglaang paghalik niya sa akin. "My gosh, Summer! Stop it!" Halos sabunutan ko ang sarili ko dahil sa mga naiisip. Isinantabi ko iyon at hindi nalang masyadong inisip dahil kahit anong pilit kong tanggalin ang bracelet sa kamay ay hindi basta-bastang matatanggal iyon. I can't even destroy it because I know how expensive this bracelet. Nang makauwi ako sa bahay ay nakipaglaro ako kila Hope at Hunter, tuwang-tuwa sila na parang ang tagal naming hindi nagkita. Pinuntahan ko rin si Mommy sa kw