Nagtagal kami ni Damon sa sasakya niya bago kami tuluyang pumunta sa venue kung saan gaganapin ang after party ko. Nang makarating kami roon ay nakita ko kaagad ang mga kaklase at kaibigan na may inihandang surpresa sa akin. "Happy Birthday, Summer!" Sigaw nilang lahat at mas lumakas ang tugtog sa loob ng Bar. Natawa ako nang makita ang cake na dala ni Juliana kasama ang iba kong mga kaibigan. I even saw Astrid and her friends kasama ang ibang school mates namin. "Thank you!" Natatawang sabi ko. Isa-isa silang nagbukas ng wine at nagsayawan. Maraming bumati sa akin at halos lahat sila ay kakilala ko dahil ako naman ang nag-imbita sa kanilang lahat. "Hi Summer! Happy Birthday," nakangiting bati sa akin ni Astrid. Kita ko ang pag-irap ni Amber hindi kalayuan sa amin. Muli akong bumali