"Sa penthouse tayo ni Daddy para mas maluwang ha!" Sabi ni Caroline at pinag-patuloy ang pagkain. Dalawang kahon ng pizza ang in-order nila at halos hindi namin maubos 'yon dahil sobrang laki. Nag-labas din si Amber ng wine habang nanonood kami sa Netflix. "Bakit kayo nag-break?" Curious na tanong ko kay Stephan. Busy ang mga pinsan ko sa panonood at may kaniya-kaniya na silang mundo. "Summer, mahirap ipilit ang isang bagay na hindi pwede," nagkibit siya ng balikat at pinag-patuloy ang pagkain pagkatapos niyang tumingin sa akin. "What do you mean?" Kunot-noo kong tanong. "Oh come on, Summer. I'm not really serious about my relationship." Nag-kibit siya ng balikat at umiling. Tumango ako at dahan-dahang kumagat sa pizza ko. I know Stephan, kailan nga ba siya nag-seryoso? Halos umirap