Kinabukasan ay masakit ang ulo ko dahil siguro hindi nasiyahan sa ininom kagabi. Pinilit ko nalang bumangon at lumabas ng kwarto para makainom ng gamot. Mabuti nalang ay mamaya pa ang klase ko kaya nakapag-luto pa ako ng breakfast. Napatingin ako sa Sala nang dumating si Amber. Ang suot niyang damit kagabi ay 'yon pa rin ang suot niya at ang make-up ay kumalat na sa muka niya. Napahikab siya at tamad na tinanggal ang heels na suot. Nang matapos niyang tanggalin 'yon ay agad siyang napahiga sa sofa, mukang hindi niya yata napansin na narito ako sa kitchen. Napailing nalang ako at tinapos ang pagkain. Kumuha ako ng gamot at tubig para ibigay sa kaniya 'yon. Napadilat siya nang maramdamang may tao sa harapan niya. Padabog ko lang inilapag ang gamot at isang basong tubig sa lamesa at agad siy