After a long and tiring day of driving around the city ay umuwi na ako. I insisted na ihatid si Liam. Nag take out ako ng pizza bago nag-drive pauwi. Buti na lang naging mabait ang puso ko. I finally reached home. Nandito siya! Obviously, nasa grahe ang sasakyan niya. May ilaw rin ang loob ng bahay. Ipinarada ko ang kotse sa labas ng gate. Kinuha ko ang pizza, bitbit ko iyon papasok ng bahay. And there he is... sitting like a boss while watching t.v. "You're back!" Bahagya niyang ibinaling ang ulo sa'kin. Lumapit ako at humalik sa pisngi niya. Himala at hinayaan niya ako. Ang bango-bango niya! Gusto ko sanang yakapin, pero 'wag na baka magalit pa. "Saan ka galing?" "Sa bahay." Simpling tugon ko. Lumakad ako papunta sa kusina. Bitbit pa rin ang pizza. Sumilip ako sa kanya na ang mga