Chapter Twenty-Nine: The Wedding Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang pagkabalisa. Paano niya nalaman kung saan kami? Sumapit ang umaga, tinawagan ko agad ang pastor na magkakasal sa amin ni Dennise. Gusto kong mangyari na ngayon imbes na bukas. Dahil bukas, lilipat na kami ng panibagong bahay. May nakita akong bahay sa syudad. Kaya pa naman ng ipon ko na bumili ng bago. Hinagkan ko sa pisngi ang future misis ko. “Good morning, love,” pagbati ko sa kanya. “Good morning din, love,” pabalik niyang pagbati. Umunat siya at niyakap ako pagkatapos ay tinadtad ng halik ang aking mukha. Pareho kaming natawa. “Love, may sasabihin ako sa’yo,” pamungad ko. “Ano ‘yun?” sagot niya. Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob. “Alam kongikakabigla mo ito pero minove ko ang k