Chapter Twenty-Six: Unexpected Help “…io. Gio. Gio,” naalimpungatan ako ng may marinig ako na tumatawag sa aking pangalan. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at itinuon ang aking paningin kung saan nanggagaling ang boses. “A-Anders?” alinlangan kong pagtawag sa lalaki na gumigising sa akin. Kinusot ko ang aking mata at kumurap. Sa pagtngin kong muli ay nakita ko ang mukha ni Anders na puno ng pag-aalala akong tiningnan. “Inumin mo itong gamot at maghanda ka para sa pag-alis ninyo ng kapatid mo dito sa mansion,” pagbabalita niya sa akin. Napangiwi ako ng binihgla kong makaupo sa kama dahil sa pagsiklab ng bagong pag-asa na makakaalis na kami dito ng kapatod ko. “Ta-talaga?” hindi makapaniwala kong tanong. Tinanguan ako ni Anders at kasabay ng kanyang pagngiti. “Oo. Sige