THERESA Umalis ako sa counter dala ang paper cup na hawak ko. Mabilis akong lumabas ng canteen at tuloy-tuloy na naglakad sa parking lot at tinungo ang kotse ko. Wala sa plano ko ang umalis ng campus, pero ramdam kong may mga matang nakasunod sa akin, kaya pinasibad ko ang aking kotse at nagmaneho palabas ng unibersidad na pinapasukan namin ngayon ni Agatha. Kilala ako ng taong lumapit sa akin. Alam niya ang nangyari sa pamilya ko at kung ano ang kaugnayan ko sa organisasyong pinamumunuan ng aking ama. Wala na akong balita sa mga dating kasapi ng organisasyon simula nang napunta ako sa poder ng mag-asawang umampon sa akin. Tanging ang alam ko lang ay namatay silang lahat sa sunog at mag-isa na lang ako ngayon. Hindi ko nakalilimutan ang lahat ng nangyari sa aking pamilya, pero kahit

