THERESA
Kanina pa ako nakatitig sa kisame, pero kahit mahimbing na ang tulog ni Blake sa tabi ko, ay hindi naman ako dalawin ng antok ngayon.
Alam kong namiss niya ako. Ramdam ko ito sa kung paano niya ako hawakan at halikan, pero kahit ganyan ang nararamdaman niya, ay hindi niya ako pinilit na angkinin dahil nakita niyang masama ang aking pakiramdam.
Nakuntento na lang siya na magkatabi kaming dalawa sa kama at hindi niya ako kinulit. Nakahinga naman ako ng maluwag at naging komportableng nakahiga sa kama habang katabi ko si Blake at natutulog siya ng mahimbing.
Nag-angat ako ng aking mukha at sandaling pinagmasdan ko siya habang mahimbing na natutulog. Bakas ang saya sa kaniyang ekspresyon. Hindi ko inalis ang aking mga mata sa kaniyang mukha. Matagal akong nakatitig sa kaniya hanggang napagod ako at napabuntonghininga sa tabi ni Blake.
Nakita kong nag-flash ang ilaw ng kaniyang cellphone, kaya nakuha nito ang interes ko. Dahan-dahan kong inalis ang kaniyang braso sa aking bewang at maingat ko itong kinuha sa ulunan niya at binuksan ang screen.
Dahil alam ko naman ang gamit niyang password, kaya nabuksan ko ito nang makita ko siya noong ginamit niya ito habang nasa loob kami ng kaniyang silid at nakahiga sa kama. Tapos, may nagpadala sa kaniya ng mensahe.
Tiningnan ko ang laman ng inbox niya at naghanap ng mga text messages na maaaring may kinalaman sa personal niyang buhay, pero wala naman akong nabasang kakaiba.
Mga mensahe mula sa kasamahan niya sa trabaho ang nabasa ko. May trend ng text message rin nila ng kaniyang ina at pinag-usapan nila ang pagpunta ni Blake dito sa Maynila.
Napakagat-labi ako nang mabasa kong sinabi niya sa kaniyang ina na may nagugustuhan daw siyang babae at gusto na niya itong pakasalan sa lalong madaling panahon kapag pumayag sa alok niyang kasal.
Napangiti ako nang mabasa kong natuwa naman ang ina ni Blake dahil sa wakas, magkakaroon na raw siya ng manugang at apo.
Ramdam ko ang sayang bumalot sa aking puso. Natutuwa ako dahil alam kong gusto nga ako ni Blake at seryoso siya dahil nasabi na niya sa kaniyang ina ang tungkol sa amin.
Muli akong napasulyap kay Blake. Hindi ko napigilan ang ngiting sumilay sa aking mga labi habang nakatingin ako sa kaniya. Maingat ko siyang pinatakan ng halik sa pisngi, pero mukhang nagkamali akong gawin ito dahil nagising siya at pumulupot sa bewang ko ang kaniyang braso.
“Bakit gising ka pa?” namamaos ang tinig na tanong sa akin ni Blake.
“Naisip ko kasi na baka may ibang babae ka, Blake,” pabirong sabi ko sa kaniya, pero seryoso naman ang aking ekspresyon.
“May babae talaga ako,” natatawa niyang sagot. “Dalawa kayong mahal ko, Lara.”
Nangunot ang aking noo at napasimangot. Kinurot ko siya sa tagiliran dahil nakaramdam ako ng selos, kaya napaungol siya.
“Yun naman pala, bakit nandito ka?” naiinis na tanong ko kay Blake.
Nagbibiro lang naman ako kanina, pero hindi ko alam na magiging seryoso ang sagot niya, kaya bigla akong nakaramdam ng inis kay Blake.
Humigpit ang nakayakap na braso niya sa aking katawan at malambing na bumulong siya sa akin.
“Nagseselos ka ba, Lara?”
“Oo!” mabilis kong sagot.
Huli ko na napagtanto ang nasabi ko, kaya natigilan ako at mariin na napapikit. Lihim akong napamura dahil hindi ko napigilan ang aking emosyon.
“Lara, bukod kay Mama, ikaw pa lang ang babaeng minahal ko, kaya huwag kang magalit at magselos dahil tapat ako sa iyo at hinding-hindi kita sasaktan.”
Inirapan ko si Blake. Masyadong matamis ang dila niya. “Ganyan naman kayong mga pulis. Magaling kayong mambola at normal lang sa inyo ang magpakita ng sweetness sa ibang babae, tapos kapag alam na ninyong may gusto na sa inyo, sasaktan na ninyo at ipagpapalit na sa mas bata at mas maganda.”
“Grabe namang akusasyon iyan, Lara,” natatawang sagot ni Blake. “Nagbibiro lang naman ako kanina, e.”
Nakararamdam ako ng labis na selos. Nagbibiro lang din naman ako kanina, pero hindi ko naman nagustuhan ang naging resulta. Ganito pala kapag mahal mo na ang isang lalaki. Nagiging possessive na at ayaw kong marinig na may ibang babaeng nakakuha ng atensyon niya.
Mahal ko na nga si Blake. Sigurado na ako sa damdaming nararamdaman ko para sa kaniya ngayon.
Nangunot ang aking noo at nakasimangot na bumaling sa kaniya. “Umuwi ka na bukas sa Zambales, Blake,” utos ko sa kaniya.
“Bakit?” tanong niya sa akin.
“Maraming magagandang babae dito sa Maynila. Doon, kaunti lang, kaya doon ka na sa Zambales para may peace of mind ako dito, Blake.”
Ramdam ko ang pag-alog ng kaniyang balikat nang matawa si Blake, kaya lalo lamang akong nakaramdam ng inis.
“Seryoso ako, Blake, ha!”
Hindi siya sumagot. Lumapit sa tainga ko ang kaniyang mga labi at mahinang bumulong.
“Lara, sa tingin mo ba, mahalaga sa akin kung maraming maganda dito sa Maynila?”
“Ganyan naman kayong mga lalaki—”
“Hmmm, sila lang,” mabilis niyang putol sa sinasabi ko. “Magtiwala ka lang sa akin, Lara. Pangako, nasa iyo ang loyalty ko.”
Napaungol ako at hindi nakasagot dahil naramdaman kong lumapat ang labi niya sa likod ng aking tainga at pagkatapos, marahan itong naglandas paitaas, kaya ramdam ko ang init ng kaniyang dila at hininga sa balat ko.
Para itong malakas na boltahe ng kuryente na dumaloy sa bawat himaymay ng ugat at kalamnan ko, kaya natigilan ako at napahawak ng mahigpit sa kaniyang braso.
“Siguro naman, nakapagpahinga ka na,” bulong ni Blake sa akin.
Napasinghap ako nang pumasok sa loob ng T-shirt niya ang kaniyang kamay at mabilis na dinakot ang aking kanang dibdib. senswal niya itong hinaplos at pinisil-pisil ang naninigas na korona sa tuktok nito, kaya napakagat ako sa aking ibabang labi para pigilan ang ungol na nakakulong sa lalamunan ko.
“Blake, anong ginagawa mo?”
“Gusto ko kasing patunayan sa iyo kung gaano kita kamahal para hindi ka na nagseselos sa ibang babae at hindi ka nagdududa sa pagmamahal ko, Lara.”
Muli akong napalunok, pero hindi na ako sumagot. Kinabig ako ni Blake, kaya lumapat ang likod ko sa kama. Gumalaw siya at mabilis na bumangon at pumatong sa ibabaw ko.
Bigla niyang hinuli ang aking mga labi at siniil ng maalab na halik. Mapusok siya, agresibo, at alam kong hindi siya papipigil kahit pigilan ko siya, kaya hinayaan ko na lang siya at sinabayan ang mapangahas na galaw ng kaniyang mga labi.
Naramdaman ko ang paghagod ng palad niya sa aking katawan. Napakainit ng kaniyang balat. Nag-aapoy at nakapapaso. pero wala na akong pakialam dito dahil para itong apoy na unti-unting tumutupok sa sistema ko.
“Blake…”
Umungol lang siya nang tawagin ko ang kaniyang pangalan, pero hindi sumagot. Pinakawalan niya ang labi ko matapos ang maalab na halik na aming pinagsaluhan. Naglandas ang mga labi niya sa aking pisngi, pababa sa panga at leeg ko, kaya napakapit ng mahigpit ang aking mga kamay sa kaniyang balikat.
Ramdam ko ang excitement na nararamdaman ng aking katawan sa bawat pagsayad ng mga labi at paghagod ng dila ni Blake sa balat ko nang sipsipin niya ang aking leeg.
Hindi ko siya pinigilan nang gumapang siya pababa sa aking katawan at mabilis na itinaas sa aking ulunan ang suot kong T-shirt niya. Sa isang iglap lang, namalayan kong sakop na ng kaniyang bibig ang dunggot ng aking dibd*b at nanunuot sa kalamnan ko ang init mula sa loob nito.
Nasabunutan ko siya nang sipsipin niya ito at naramdaman ko ang masarap na sensasyong hatid ng paghagod ng dila niya sa aking balat.
Para siyang batang naghahanap ng gatas at nagpalipat-lipat sa aking matayog at nagmamayabang na mga dibdib. Matagal niyang binigyan ito ng atensyon hanggang sa nagsawa na yata siya at naglandas ang kaniyang mapangahas na mga labi pababa sa aking tiyan.
Hinaplos niya ang bewang ko habang ang mga labi at dila ay patuloy na naglalandas sa balat ko, kaya tuluyan akong nag-init at nawalan ng pakialam sa maaaring mangyari sa pagitan namin ni Blake.
Hindi ito ang unang pagkakataon na gagawin namin ito, kaya handa na ang puso at isipan ko. Hindi ko siya pinigilan at iginalaw ko pa lang ang aking balakang nang hatakin niya pababa sa mga binti ko ang ipinahiram niyang boxer sa akin.
Nakaramdam ako ng hiya at pag-iinit ng aking magkabilang pisngi nang ibuka niya ang aking mga hita at pinatakan ng halik ang mga labi ng aking hiyas.
Pigil ko ang aking paghinga nang senswal na humagod at naglandas ang kaniyang basa at mainit na dila sa hiwa ng hiyas ko para tikman ako.
“Blake, sandali lang,” nahihiyang sabi ko sa kaniya para pigilan siya dahil gusto ko munang bumangon at gumamit ng banyo para maghugas, pero hindi siya nagpapigil.
Nanginig ang aking kalamnan at mga binti nang ulitin niya ito, at nanuot ang masarap na sensasyong hatid ng pagpapala ng mga labi niya sa aking hiyas.
Para akong tuyong papel na nadikit sa apoy at ngayon ay naglalagablab, kaya hindi ko na makontrol ang aking sarili. Nagpabaling-baling ang aking ulo sa kama habang nakaliyad ang aking likod at dinadama ang masarap na sensasyong hatid ng pagkain ni Blake sa hiyas ko.
Mukhang sarap na sarap naman siya. Torrid kung paano niya halikan ang mga labi nito dahil mukhang nagustuhan niya na wala itong kahit isang hibla ng buhok, kaya mas lalo lamang niyang pinanggigilan.
“Hmmm, Blake…”
Tumigil siya at sandaling nag-angat ng mukha at tumingin sa akin.
“Bakit? May problema ba, Lara?”
Marahan akong umiling dahil hinihingal ako at naghahabol ng aking hininga.
“Ano kasi… tigilan mo muna iyan, Blake.”
“Bakit?”
“Maghuhugas muna ako,” nahihiyang sagot ko.
Muling pinatakan ng senswal na halik ni Blake ang labi ng hiyas ko at pagkatapos, nakangiting nag-angat ng mukha at tumingin sa akin.
“Mabango ka pa rin kahit bagong gising ka, Lara,” sabi niya. “Ang sarap nga. Ang linis at napakalambot pa ng balat mo.”
Dinilaan pa niya ang ibabang labi at napangiti. “Gustong-gusto ko ang natural na amoy mo, kaya huwag ka nang mahiya sa akin, okay?”
Tanging mahinang tango lamang ang sinukli ko dahil muli siyang yumuko at bumaon sa pagitan ng aking mga hita ang kaniyang mukha at pinanggigigilan ng mga labi at dila niya ang hiyas ko.
Nasabunutan ko siya nang laruin ng kaniyang dila ang sensitibong kuntil sa gitna ng aking hiyas. Bigla niya itong sinipsip kasabay ng paghagod ng pinatigas na dulo ng kaniyang dila, kaya nanginig ang buong katawan ko nang sumabog ang masarap na sensasyong ipinadama niya sa akin.
Ramdam kong sumabog ang naipong katas sa aking puson. Nanginginig ang aking mga tuhod at naninigas ang kalamnan at buong katawan ko, pero tumitirik naman ang mga mata ko dahil naabot ko ang sukdulan.
Bawat paghagod ng dila niya sa aking balat habang sinasaid niya ang katas na dumaloy sa lagusan ng hiyas ko ay nagdudulot ng libo-libong boltahe na nanuot sa kaibuturan ko, kaya malakas akong napaungol habang dakot ng mahigpit ang kobre-kama.
Alam kong hindi ito dito matatapos dahil hindi papayag si Blake na hindi maka-iskor sa akin, pero handa na ako. Hindi ko siya pipigilang ituloy ito dahil gusto ko rin siyang mapaligaya at ipadama sa kaniya ang masarap na sensasyong naramdaman ko nang pagpalain niya ang hiyas ko.