Zylie's POV "Kayo na muna ang bahala dito, matatanda na naman kayo, kaya n'yo na ang sarili n'yo. But kids, behave." Iyon ang huling sinabi ni Tito Brad sa amin bago sila sumakay sa yate at naglayag sa dagat. Iniwan nila kami doon lahat. Mabuti sana kung kami-kami lang. Eh, nandito si Steffi, nandito rin si Rafa. Pati si Matt nandito rin kaya naman ayun, abalang-abala si Jaime at ngayon ay may sariling mundo na. At kahit anong gawin ko, I just can't keep my eyes off of them, Steffi and Rafa. Tila may sarili rin silang mundong dalawa. Sa totoo lang, nagseselos ako. Sa kanilang dalawa. I never thought I'd see Rafa laughing and having fun without me. Para ngang hindi ko nakita si Rafa na sumaya ng ganito noong magkasama pa kaming dalawa. Pakiramdam ko tuloy, ako talaga 'yong toxic. Na ak