Esteban's POV "Anong nangyari bakit tila pinagsakluban ng langit at lupa 'yang mukha mo?" Matt asked me. Nasa may bar kase ako ngayon habang pinagmamasdan si Zylie. She's with Jaime at mayroon silang tour sa iba't-ibang kwarto sa loob ng Adonis. Zylie is amused, good. Atleast nakalimutan niya na 'yong nangyari kanina. Actually wala rin akong idea kung ano 'yong nangyari. She just stopped talking to me. Huwag niyang sabihin na may feelings na siya sa akin kaya siya nagseselos kay Jaime? Ako nga hindi nagseselos kahit alam kong nagtataksil siya sa akin with Jaime e. "Huy! Anong nangyayari sa'yo? Wala ka sa sarili mo? Anong problema?" Dagdag niya pa. Naupo si Matt sa isang bar stool sa tabi ko pagkatapos niyang kumuha ng isang bote ng sparkling water galing sa mini ref sa ilalim ng counter