Zylie's POV "Oh, Maring, anong ginagawa mo d'yan, bakit.. Umiyak ka ba?" Narinig kong sabi ni Manang sa batang biglang tumabi sa amin. Well, she's not a kid but she's young, mga seventeen or eighteen years old siguro. "Manang, masama mo ba ang ugali ko?" Aniya sabay singhot. "Aba, eh, hindi. Sinong nagsabi sa 'yo n'yan?" Hindi niya sinagot si Manang bagkus ay umiling na lang ito ng umiling. Napatingin ako kina Esteban na ngayon ay seryoso ring nakatingin sa akin bahagya siyang umiling na tila ba sinasabing wala siyang kinalaman sa mga nangyari at saka niya bahagyang inginuso si Kiko and I immediately knew what happened. Hinila ko si Maring at saka ko siya inakbayan. I don't know her pero gusto ko pa rin siyang makausap. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ngayon, nakatingin sa amin si M