Zylie's POV "So you mean to say, nagkataon lang lahat ng ito? 'Yong pagpasok mo sa Pristine, 'yong pagpasok ni Esteban as my bodyguard pati itong naging relasyon n'yo ni Jaime?" Kung relasyon man ang tawag dito. Hindi pa rin kase ako makapaniwala kahit ilang beses nang inexplain ni Shaun--err Matt sa akin ang lahat. "For the record, nauna akong pumunta sa Metro kaysa kay Esteban kaya wala akong alam sa involvement niya sa 'yo. I just wanted to live normally, my daughter deserved that." Aniya pa sabay tingin kay Angela na ngayon ay kasama na si Maring. Speaking of Maring, iba ang ngitian niya ngayong umaga. Ngiting nadiligan kaninang madaling araw so, kailangan ko siyang kausapin lalo na't nagsorry siya kanina dahil nasira daw 'yong damit na ibinigay ko sa kanya kagabi. "And I honestly