Steve’s POV “Zylie,” “I said, I’m sorry.” Tila nahihiyang sabi niya. Napabuntong-hininga ako ng malakas lalo na noong nakita kong marahas niyang pinupunasan ang pisngi niya. Parang mas gusto ko pa ‘yong bitchesa Zylie kaysa sa ganito. I’m not used to seeing her broken. Tapos pakiramdam niya pa siguro, nireject ko siya. I tried reaching out to her pero bahagya siyang lumayo sa akin. “Zylie,” “Esteban, stop. Gets ko na, hindi mo na kailangang ipamukha pa sa akin na ayaw mo. It was just a mistake, can you just forget about it?” Tanong niya habang nakatingin sa labas. She looks so adorable when she’s shy. At akala niya ba, kaya hindi ako gumanti ng halik ay dahil sa ayaw ko sa kanya? Nope, Hindi ako naka-react kaagad dahil nabigla ako, hindi dahil sa hindi ko gusto. “Sino bang maysabi