Zylie's POV Around three na kami nakarating ni Esteban sa Xavier Empire. Sinabi ko nga sa kanya na huwag nang sumama at hintayin na lang ako sa loob ng sasakyan but he still insisted on going with me. "Do not be intimidated kapag nakita mo sila. Just keep it cool." Paalala ko pa sa kanya habang naglalakad kami sa lobby. "Yes, Miss." Sagot niya. Hindi naman sila intimidating, pero mabuti na rin 'yong aware si Esteban. Baka mabigla siya e. Pagdating namin sa may tapat ng information desk, kinakabahan akong nginitian nung receptionist. May kasalanan siya sa akin at dapat lang talaga na manginig at kabahan siya, may kasalanan siya sa akin, akala niya ba limot ko na? "Can you inform Vince that I am here?" Taas-kilay kong sabi sa kanya. Natataranta naman ang kawawang nilalang at agad niyan